Tuesday, March 19, 2013

Habang may buhay, may pag-asa

Noong Biyernes, may isang estudyante ng UP Manila ang nagpakamatay. Isa raw sa mga posibleng dahilan ng kanyang kamatayan ay ang kakulangan ng pera para sa pag-aaral. Nalungkot at nainis ako sa balita sapagkat sayang ang buhay niya. Ano ba naman ang P10,000 para sa pangmatrikula ng bata? Hindi naman siguro malulugi ang UP. Sana mabago na natin ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas para mabigyan ng mabuting edukasyon ang bawat kabataan na siyang pag-asa ng bayan.

Nakakalungkot rin at hindi naagapan ang matinding kalungkutan ng bata. Sana may nakatulong o nakapagbigay ng gabay sa kanya. Nasa UP Manila pa man din ang Philippine General Hospital. Sayang talaga at hindi niya nagamit ang bagong suicide hotline. Ipinagdarasal ko siya. Sana maging payapa ang kanyang kaluluwa. Sana matapos na ang ganitong paghihirap para sa ating mga kababayan. Sana malaman natin na habang may buhay, may pag-asa.

No comments:

Post a Comment