Friday, February 24, 2006

Anibersaryo ng EDSA I

Natutuwa ako dahil walang pasok ngayong Biyernes at pati na rin bukas dahil sa anibersaryo ng EDSA I. Ngunit, double red alert ngayon sa Fort Bonifacio. Hindi tuloy ako makalabas pero okay lang yon kasi nanonood ako ng balita sa telebisyon at sa internet. Oo nga pala, sinusulat ko rin pala yung mahabang pagsusulit sa NSTPCW1. Tungkol kasi yon sa kahirapan sa ating bansa.

Nagmumuni-muni rin ako dahil ang tagal na ng EDSA I, dalawampung taon na nakalipas pero mukhang wala pa ring pag-unlad sa Pilipinas. Sa halip, parang humirap pa nga ang buhay natin. Nakakalungkot isipin na kahit maganda ang kahulugan ng EDSA, hindi natin tuluyang napaunlad ang bansa.

May bagong balita ngayon - bumagsak ang piso ngayon, nasa 51 pa rin pero humina. Ang stock exchange natin ay bumaba rin. Pero, hindi naman nakikita masyado sa palitan at merkado ang tunay na hirap ng buhay ng karaniwang Pinoy.

------------------------------

Hindi ko na pala gagamitin ang pangalan ko para hindi na ako makita sa mga search engine. Ayoko maging masyadong kilala dito sa internet. Tatanggalin ko na yung mga quiz answer ko dahil hindi naman sila tunay na entry ko. Para sa akin, mas mabuting nagsusulat ako. Chika!