Tuesday, November 01, 2005

Undas

Noong Huwebes at Biyernes, nagpahinga lang kami sa bahay. Noong Sabado, namili si Mommy sa Macro at pumunta si Fred sa party. Noong Linggo, nagsimba kami nina Fred, Ate Flory, Kuya Jonel at ako noong gabi tapos nagpakintab ako ng bell.

Kahapon, umuwi kami sa Lomboy, La Paz, Tarlac. Kumain kami sa Hen Lin at nagpahinga pag dumating sa Lomboy. Bumisita sina Auntie, Tito Lito, Tita Tess at Gel. Naroon lahat ng kamag-anak namin. Bumisita kami sa bahay nina Tita Tess sa La Paz. Kumain kami sa Lomboy.

Kanina, kumain kami at pumunta sa sementeryo sa Guevara. Binisita namin yung mausoleo nina Tatay at Nanay at nagrosaryo kami. Tapos, pumunta kami sa puntod ni Kuya Jethro at sa mga puntod nina Lola Carmen at ang asawa niya at kay Lolo Asiong. Umuwi kami at kumain sa Chowking. Noong dumating kami sa bahay, naroon na sina Tito Be at ang kanyang pamilya. Masaya na narito sila at nagbisita kay Lolo Daddy. Nagsimba kami ni Mommy noong hapon. Kumain kami ng hapunan.

1 comment:

  1. Anonymous8:30 PM

    This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete