Monday, November 07, 2005

Bakasyon

Noong Miyerkules, naglaro kami ng Scrabble ni Fred habang nagsimba sina Mommy at Lila.

Noong Huwebes, pumunta sa Batangas si Fred. Hinatid namin ni Mommy si Fred sa Petron sa may Dasmarinas Village noong alas quatro y medya ng umaga. Tapos, sinundo rin namin siya doon noong bandang alas otso y medya ng gabi. Bumili pa kami ng Starbucks hot chocolate habang naghihintay.

Noong Biyernes, pumunta kami nina Mommy, Manong at Fred sa Makati. Sinundo namin si Tita Baby sa Rustans at pumunta sa Let's Face It. Naghiwalay kaming mag-anak pero kasama ko si Mommy na pumuntang Greenbelt. Nakapagdasal pa nga kami ng novena. Nagkita-kita ulit kami sa Goodwill Bookstore at kumain sa Bon Appetit. Bumili kami ng mga bagay at hinatid si Tita Baby sa mga bus. Tapos, bumili kami ng cofee maker at electric fan bago umuwi.

Nagsimba kami nina Mommy at Lila kasi Sacred Heart Friday noon. Pagkatapos ng misa, nakapagkumpisal ako. Sabi ng pari na magsimba ako ng siyam na sunod-sunod na Sacred Heart Friday. Naglaro kami ni Mommy ng Scrabble noong gabi.

Noong Sabado, nagsimba kami noong hapon. Tumulong kaming mangolekta at magpakintab ng bell. Binasbasan pa kami ni Father Joy Balistoy. Naglaro kami ni Mommy ng Scrabble noong gabi.

Kahapon, nagpagupit ng buhok kami nina Mommy at Lila. Dumating si Daddy noong hapon at pumunta sila ni Mommy sa kasal ng mga Javier.

Kanina, nagbasa ako ng scroll at nag-ayos sa bahay. Tumawag na ako sa UP Student Disciplinary Tribunal at pwede raw akong makakuha ng certificate of good moral character. Pupunta kami ni Mommy bukas siguro sa UP. Nagluluto na pala ng pancit si Lila.

No comments:

Post a Comment