Sunday, November 13, 2005

Simula

Lunes ng gabi: pumunta kaming pamilya sa Fort at kumain sa Red Kimono.

Martes: pumunta kami ni Mommy at Manong sa UP para kumuha ng certificate of good moral character at sa UST para magbigay ng application ni Ading. Kumain kami sa Max's sa Robinsons Manila at nagsumite ng application sa Benilde. Tinawagan rin namin si Uncle John.

Miyerkules: sumakay kami ng MRT papuntang Benilde at nagsimba kami.

Huwebes: nagbasa ako ng Blue Sword at kumain kami sa Pizza Hut noong gabi.

Biyernes: nagbasa ako ng The Hero and the Crown at ng Guns, Germs & Steel.

Sabado: nag-aral si Ading sa CSA, pumunta si Manong sa kasal ng kaklase niya, at umalis si Daddy papuntang Leyte. Nagmaneho ako mula sa CSA pauwi at nagsimba na kami noong hapon.

Linggo: namili kami ni Auntie sa commissary at binasa ko ang Mrs. Frisby and the Rats of NIMH.

Monday, November 07, 2005

Bakasyon

Noong Miyerkules, naglaro kami ng Scrabble ni Fred habang nagsimba sina Mommy at Lila.

Noong Huwebes, pumunta sa Batangas si Fred. Hinatid namin ni Mommy si Fred sa Petron sa may Dasmarinas Village noong alas quatro y medya ng umaga. Tapos, sinundo rin namin siya doon noong bandang alas otso y medya ng gabi. Bumili pa kami ng Starbucks hot chocolate habang naghihintay.

Noong Biyernes, pumunta kami nina Mommy, Manong at Fred sa Makati. Sinundo namin si Tita Baby sa Rustans at pumunta sa Let's Face It. Naghiwalay kaming mag-anak pero kasama ko si Mommy na pumuntang Greenbelt. Nakapagdasal pa nga kami ng novena. Nagkita-kita ulit kami sa Goodwill Bookstore at kumain sa Bon Appetit. Bumili kami ng mga bagay at hinatid si Tita Baby sa mga bus. Tapos, bumili kami ng cofee maker at electric fan bago umuwi.

Nagsimba kami nina Mommy at Lila kasi Sacred Heart Friday noon. Pagkatapos ng misa, nakapagkumpisal ako. Sabi ng pari na magsimba ako ng siyam na sunod-sunod na Sacred Heart Friday. Naglaro kami ni Mommy ng Scrabble noong gabi.

Noong Sabado, nagsimba kami noong hapon. Tumulong kaming mangolekta at magpakintab ng bell. Binasbasan pa kami ni Father Joy Balistoy. Naglaro kami ni Mommy ng Scrabble noong gabi.

Kahapon, nagpagupit ng buhok kami nina Mommy at Lila. Dumating si Daddy noong hapon at pumunta sila ni Mommy sa kasal ng mga Javier.

Kanina, nagbasa ako ng scroll at nag-ayos sa bahay. Tumawag na ako sa UP Student Disciplinary Tribunal at pwede raw akong makakuha ng certificate of good moral character. Pupunta kami ni Mommy bukas siguro sa UP. Nagluluto na pala ng pancit si Lila.

Tuesday, November 01, 2005

Undas

Noong Huwebes at Biyernes, nagpahinga lang kami sa bahay. Noong Sabado, namili si Mommy sa Macro at pumunta si Fred sa party. Noong Linggo, nagsimba kami nina Fred, Ate Flory, Kuya Jonel at ako noong gabi tapos nagpakintab ako ng bell.

Kahapon, umuwi kami sa Lomboy, La Paz, Tarlac. Kumain kami sa Hen Lin at nagpahinga pag dumating sa Lomboy. Bumisita sina Auntie, Tito Lito, Tita Tess at Gel. Naroon lahat ng kamag-anak namin. Bumisita kami sa bahay nina Tita Tess sa La Paz. Kumain kami sa Lomboy.

Kanina, kumain kami at pumunta sa sementeryo sa Guevara. Binisita namin yung mausoleo nina Tatay at Nanay at nagrosaryo kami. Tapos, pumunta kami sa puntod ni Kuya Jethro at sa mga puntod nina Lola Carmen at ang asawa niya at kay Lolo Asiong. Umuwi kami at kumain sa Chowking. Noong dumating kami sa bahay, naroon na sina Tito Be at ang kanyang pamilya. Masaya na narito sila at nagbisita kay Lolo Daddy. Nagsimba kami ni Mommy noong hapon. Kumain kami ng hapunan.