Tuesday, October 18, 2005

Pag-alis at pagpasok

Umalis si Mommy kaninang tanghali papuntang Leyte. Hinatid namin ni Lila si Mommy sa airport. Tapos, pumunta kami sa Manila para kumustahin yung pre-application ko sa Benilde. Hinintay pa namin yung admissions center. Mabuti naman ang kinalabasan at pwede na akong mag-apply bilang transferee.

Pag pumasok ako sa Enero, itong Benilde na ang pang-apat kong kolehiyong papasukan. Nakakatuwa namang isiping ang dami kong pinasukang mga unibersidad. Isang taon sa UP, tatlong taon sa Georgetown, isang summer sa NVCC, at ngayon pwedeng isang taon sa Benilde. Mabuti na lang at may naipon akong konti.

No comments:

Post a Comment