Friday, October 14, 2005

Manila

Kanina, pumunta kami ni Mommy sa Benilde para tanungin yung status ng pre-application ko. Hindi pa pala nila nasisimulan. Baka sa Lunes ko pa pwedeng makuha.

Sinundo ni Kuya Jake si Manong mula sa boarding house. Nag-usap kami sa kotse papuntang Makati. Kumain kami sa Ilonggo Grill. Noong dumating si Fred, pumunta kami sa McDonalds. Noong pauwi kami, dumaan kami sa Land Bank at sa Support Group, kaya ngayong may higanteng ID na kami.

Makikita rin ninyo na adik na ako sa Blogthings. Naalala ko lang pala na pwede na sana akong nanalo ng P7 million sa Game Ka Na Ba? Ang mga sagot ko ay koala, earth, ozone layer, armadillo, blackhead, Lucy, at Elton John.

No comments:

Post a Comment