Wednesday, October 12, 2005

Kahapon, sumabay ako kay Fred papuntang Colegio San Agustin. Nagbayad ako ng tuition fee ni Fred noong mga alas otso tapos nagpa-photocopy ng transcript. Pumunta kami ni Kuya Jake sa EDSA Carpark para sana sumakay ng MRT. Subalit, tumawag si Daddy at sinabi niyang magkotse na lang kami papuntang Manila.

Pumunta kami sa Benilde at habang nasa sasakyan kami, pinakinggan namin sa radyo yung UP Singing Ambassadors na kumakanta ng Bubuka ang Bulaklak, background para sa Panalangin ni San Francisco, at Hark the Herald Angels Sing. Nakakatuwa at nakakaiyak silang pakinggan. Sinumite ko yung pre-application ko sa Benilde at umuwi na kami.

Nagpahinga ako noong hapon at dumating sina Tito Boy at Kuya Rugby. Nagsimba ako kasama ni Mommy. Ang sermon ng pari ay tungkol sa kalinisan ng katawan at ng kaluluwa. Sabi nga niya, "Cleanliness is next to godliness."

Noong gabi, pumunta kaming pamilya kasama si Tito Boy sa Manila Hotel para makasama si Mr. Larry Gallagher na asawa ni Tita Baby Ruth, na siyang tiyahin ni Tita Josie. Nakita namin si Mr. Larry sa lobby at kumain kami sa Cowrie Grill, isang restaurant na naghahain ng mga steak at iba pang pagkain. Maraming kuwento si Mr. Larry katulad noong pagdating nina Mommy at Manong sa Daly City at yung paglalaro ni Lola Isabel sa casino sa Reno. Noong mga nakaraang linggo, ipinasyal ni Tito Boy si Mr. Larry sa Lomboy, Subic, Clark, at Manila. Binigyan namin ang aming bisita ng souvenir ng Pilipinas.

Ngayon, umalis si Mommy papuntang Tarlac at si Manong papuntang Manila. May periodic exam si Fred ngayong umaga. Mamaya, magbabasa ako ng first reading sa misa kasi baka nasa Tarlac pa si Mommy ng alas singko y medya.

No comments:

Post a Comment