Monday, October 10, 2005

Kahapon, kumuha si Fred ng entrance exam sa La Salle. Sinamahan siya ni Mommy. Noong gumising ako, tahimik lang akong kumain. Pagkatapos maayos ko ang sarili, tinulungan ko rin si Gelgel na magligpit ng kanyang mga damit. Kumain kami ng tanghalian nang maaga. Hinatid namin ni Kuya Jake si Gelgel sa hotel niya.

Pumunta kami sa La Salle at bumaba ako sa McDonald's. Super daming taong nandoon--parang disco. Hinintay namin si Fred na dumating kasama ang mga kaibigan niya. Madali lang daw ang exam. Pumila sila, kumuha ako ng upuan at kumain kami. Pagkatapos, dumaan kami sa Citibank para kumuha ng pera at sa Park Square I para bumili ng ink cartridge at AVR. Umuwi na kami.

Noong gabi, sinulat ko ang aking testimony na parte ng Life Message ayon sa Purpose Driven Life. Nakaabot ako sa tatlong pahina sa wikang Ingles. Sa susunod, pwede kong isalin sa Tagalog. Nanood kami ng Lotto at nagdasal.

Ngayon, gumising ako ng alas otso, kumain at naghanda ng sarili. Kasama si Mommy, pumunta kami sa dentista para tanggalin ang tahi sa aking ngipin. Mabuti naman ang kinalabasan at sabi ng dentista, pwede na akong magpalagay ng braces sa isa o dalawang linggo. Umuwi kami sa bahay at nag-print ako ng forms para sa application sa Benilde.

Pumunta kami ni Mommy sa College of St. Benilde para mag-apply. May nakausap kami sa si Mang Ronaldo na dating nagtratrabaho sa Kodak at ngayon ay nagkokonsulta para sa mga Kodak Express franchise. Kilala niya si Gen. Bagasin, na siyang naging dating boss ni Mommy. Noong tinawag na kami, sinabi ko na nag-aaply ako bilang transferee sa day program. Tinanong namin kung pwede na lang kaming mag-submit ng UP official transcript, sabi niya kailangan daw magbigay rin ako ng transcript sa lahat ng kolehiyong pinasukan. Nainis kami nang konti kasi hindi sila masyadong matulungin. Okay naman sa amin ang strikto pero importante rin na may malasakit yung tao sa sineserbisyuhan nila. Medyo naawa na lang ako kasi buntis yung babae. Baka marami siyang stress. Dumaan kami sa Makati para magpapalit ng pera.

Noong umuwi, natuwa ako dahil dumating na yung transcript ko sa Georgetown at Northern Virginia Community College. Alam ko na rin yung marka ko kaya okay lang. Mamaya magsismba kami ni Mommy. Bukas, sasama ako kay Fred at pupunta ako sa Benilde.

No comments:

Post a Comment