Saturday, October 01, 2005

Happy October 1!

My goals for this quarter:
1) Read the whole Bible
2) Be fluent in Ilocano
3) Be fluent in German
4) Keep a daily journal
5) Write STIA papers
6) Cook well
7) Exercise
8) Drive

Nakalimutan ko pala na dito sa blog na ito ay magsusulat ako ng Tagalog. Gumising ako ng maaga at naglinis ng bahay. Dumating si Gelgel aka Ganda galing sa Paco Hotel. Nag-aaral siya ng nursing sa Tarlac pero may affliate sila dito sa Mental Hospital at San Lazaro Hospital. Kumain kami ng agahan kasama niya. Pagkatapos, naglaba siya ng kanyang mga damit. Mga ala una, kumain na kami ng tanghalian at natulog sina Mommy at Gelgel noong hapon. Nag-merienda kami ng spaghetti, bibingka at focacia nang alas singko bago magsimba ng alas singko y medya. Ang evangelio ay tungkol sa parabulo ng ubasan, na kung saan ang amo ay nagpapadala ng mga sugo at pati ang kanyang anak. Nilinis rin pala namin yung kampana sa simbahan. Kumain uli kami ng spaghetti sa gabi at nagdasal kami pagkatapos. Ngayon, sinusulat ko itong kwento ng aking araw.

No comments:

Post a Comment