Tuesday, October 25, 2005

Lomboy

Noong Sabado, pumunta kami ni Mommy sa Lomboy, La Paz, Tarlac. Nagsimba muna kami bago magbiyahe tapos dahan-dahan kaming naglakbay papunta sa Lomboy. Kumain kami ng agahan sa Jollibee sa may North Luzon Expressway. Bumili rin kami ng mga bulaklak sa may lampas ng Tarlac. Dumating kami sa Lomboy pagkatapos ng alas onse ng umaga. Sinalubong kami ng maraming kamag-anak - sina Tita Josie, Tita Baby, Tito Rey, Christelle, Xyla at EJ. Binaba namin yung mga gamit namin at nagpahinga.

Pagkatapos matulog, bumisita kami kina Tita Tita dahil kaarawan ni Lola Mayang. Ika-89 na kaarawan na niya kaya maraming taong dumating. Kumain kami ng iba't-ibang ulam at nakipag-usap kina Tita Tita at Tita Flor. Pinakita rin ni Tita Tita ang kanilang malaki at magandang bahay. Dalawang palapag ang bahay na may marmol at narra na kahoy. Noong hapon, kumain kami ng napakasarap na palabok.

Noong hapon, dinaan namin si LA sa bahay niya sa laod. Nilalagnat at mukhang may hika kasi siya. Tapos, pumunta kami sa Pangasinan para makiramay sa mga kamag-anak ni Dante Magaway. Namatay siya sa bangungot. Naroon sina Tita Lucing, Tita Leoning, KC, Ate Evelyn at marami pang kamag-anak. Nahimatay pa nga si Tita Lucing sa sobrang lungkot. Naglaro kami ng baraha ni KC. Nag-chikahan din kami ng mga kamag-anak tungkol sa kasal ni Kuya Benjie, sa Lomboy, sa mga kapatid ni Kuya Dante at marami pa. Pagkatapos naming makiramay, kumain kami sa Jollibee.

Noong Linggo, binisita namin yung mausoleo nina Tatay at Nanay, yung lolo at lola ko. Maganda yung mga tiles at yung design. Bumisita rin kami sa puntod ni Kuya Jethro. Tapos, umuwi kami sa bahay at kumain ng sinigang. Nagpaalam kami sa aming mga kamag-anak at lumakad kami nang alas dose ng tanghali. Nakarating kami sa bahay ng pasado alas tres. Nagsimba rin kami noong alas siyete ng gabi at pinakintab namin yung bell.

Noong Lunes, pumunta kami ni Mommy sa Citibank at sa SM. Bumili kami ng mga pagkain at nagpapalit ng dollars. Nagsimba rin kami noong alas singko y medya dahil magbabasa si Mommy.

Kahapon, nagsimba kami noong hapon at nagbilang ng pera. Nagbigay yung pamilyang Balaoing ng maraming mga piso. Nakakatuwang bilangin yun.

Ngayon, nakuha ko yung recommendation galing kay Prof. Merrifield. Natuwa ako doon. Mamaya, magsisimba kami ni Mommy.

Friday, October 21, 2005

Biyernes

Noong huling dalawang araw, palagi lang ako nasa internet. Kahapon, nagsulat ako ng mga pakisuyo. Nanalo rin pala yung contestant sa Game Ka Na Ba? Ang tanong ay "anong mammal ang kailangang kumain palagi sa 2-4 na oras?" Tapos ang sagot ay shrew. Kanina, nagsulat si Dean Murphy na magbibigay siya ng certificate of good moral character. Mamayang alas dose ay darating na yung Mama Mary dito sa bahay. Mamaya o bukas ay darating na rin si Mommy galing Leyte. Nakakatuwa!

Tuesday, October 18, 2005

Pag-alis at pagpasok

Umalis si Mommy kaninang tanghali papuntang Leyte. Hinatid namin ni Lila si Mommy sa airport. Tapos, pumunta kami sa Manila para kumustahin yung pre-application ko sa Benilde. Hinintay pa namin yung admissions center. Mabuti naman ang kinalabasan at pwede na akong mag-apply bilang transferee.

Pag pumasok ako sa Enero, itong Benilde na ang pang-apat kong kolehiyong papasukan. Nakakatuwa namang isiping ang dami kong pinasukang mga unibersidad. Isang taon sa UP, tatlong taon sa Georgetown, isang summer sa NVCC, at ngayon pwedeng isang taon sa Benilde. Mabuti na lang at may naipon akong konti.

Monday, October 17, 2005

Weekend

Noong Sabado, hinatid namin ni Kuya Jake sina Auntie at Jones sa Victory Liner station sa Pasay City. Tapos, sinundo namin si Gelgel sa Paco. Nagsimba kami noong alas singko y medya ng hapon. Noong gabi, kumanta kami sa videoke.

Noong Linggo, naglinis kami ng bahay at hinatid si Gelgel sa Paco. Kanina, naglinis kami ulit ng bahay at nagsimba kami ni Mommy ng alas singko y medya.

Friday, October 14, 2005

Manila

Kanina, pumunta kami ni Mommy sa Benilde para tanungin yung status ng pre-application ko. Hindi pa pala nila nasisimulan. Baka sa Lunes ko pa pwedeng makuha.

Sinundo ni Kuya Jake si Manong mula sa boarding house. Nag-usap kami sa kotse papuntang Makati. Kumain kami sa Ilonggo Grill. Noong dumating si Fred, pumunta kami sa McDonalds. Noong pauwi kami, dumaan kami sa Land Bank at sa Support Group, kaya ngayong may higanteng ID na kami.

Makikita rin ninyo na adik na ako sa Blogthings. Naalala ko lang pala na pwede na sana akong nanalo ng P7 million sa Game Ka Na Ba? Ang mga sagot ko ay koala, earth, ozone layer, armadillo, blackhead, Lucy, at Elton John.

Thursday, October 13, 2005

Miyerkules at Huwebes

Kahapon, nagsimba kami ni Lila. Sinabi ko yung unang pagbasa. Mukhang mabuti naman yung kinalabasan. Tapos, nangolekta at nagbilang ako ng pera - P555. Natapos ko na rin ang Purpose Driven Life. Isusulat ko na yung Life Message at Life Purpose ko.

Ngayon, nasa bahay ako at nagpapahinga. Mamaya, baka pumunta kami sa Manila para kunin yung resulta ng pre-application.

Senses




B



Your senses are pretty sharp (okay, most of the time)

And it takes something big to distract you!

Pizza




Pepperoni Pizza



Robust and dominant.

When you go for something, you go full force.

You tend to take control of situations easily.

And in return, you get a ton of respect.

Blog Color




Your Blog Should Be Blue



Your blog is a peaceful, calming force in the blogosphere.

You tend to avoid conflict - you're more likely to share than rant.

From your social causes to cute pet photos, your life is a (mostly) open book.




How You Life Your Life



You seem to be straight forward, but you keep a lot inside.

You're laid back and chill, but sometimes you care too much about what others think.

You tend to have one best friend you hang with, as opposed to many aquaintences.

You tend to dream big, but you worry that your dreams aren't attainable.




What Your Underwear Says About You



Your underwear is probably really, really old.



You're comfortable in your own skin - and don't care to impress anyone.

selkie
The Scottish selkie was a being who appeared to be
a seal, but had the ability to shed their skin
and roam the land in human form. If a human
were to happen upon the discarded seal skin, he
or she could hide it and force the selkie to
marry him or her. However, if the selkie were
to ever find the skin, he or she would
immediately reassume seal form and return to
the sea from whence they came, leaving their
spouse and offspring on land to forever mourn
their loss.

As a selkie, you are a very withdrawn, secretive
and somewhat sad person, and those around you
find you alluring and mystifying. People who
come into your life find it difficult to find
the inner you. You are also curious, but you
enjoy the comforts of home most of all.


Who is your inner Shapeshifter?
brought to you by Quizilla

Wednesday, October 12, 2005

Kahapon, sumabay ako kay Fred papuntang Colegio San Agustin. Nagbayad ako ng tuition fee ni Fred noong mga alas otso tapos nagpa-photocopy ng transcript. Pumunta kami ni Kuya Jake sa EDSA Carpark para sana sumakay ng MRT. Subalit, tumawag si Daddy at sinabi niyang magkotse na lang kami papuntang Manila.

Pumunta kami sa Benilde at habang nasa sasakyan kami, pinakinggan namin sa radyo yung UP Singing Ambassadors na kumakanta ng Bubuka ang Bulaklak, background para sa Panalangin ni San Francisco, at Hark the Herald Angels Sing. Nakakatuwa at nakakaiyak silang pakinggan. Sinumite ko yung pre-application ko sa Benilde at umuwi na kami.

Nagpahinga ako noong hapon at dumating sina Tito Boy at Kuya Rugby. Nagsimba ako kasama ni Mommy. Ang sermon ng pari ay tungkol sa kalinisan ng katawan at ng kaluluwa. Sabi nga niya, "Cleanliness is next to godliness."

Noong gabi, pumunta kaming pamilya kasama si Tito Boy sa Manila Hotel para makasama si Mr. Larry Gallagher na asawa ni Tita Baby Ruth, na siyang tiyahin ni Tita Josie. Nakita namin si Mr. Larry sa lobby at kumain kami sa Cowrie Grill, isang restaurant na naghahain ng mga steak at iba pang pagkain. Maraming kuwento si Mr. Larry katulad noong pagdating nina Mommy at Manong sa Daly City at yung paglalaro ni Lola Isabel sa casino sa Reno. Noong mga nakaraang linggo, ipinasyal ni Tito Boy si Mr. Larry sa Lomboy, Subic, Clark, at Manila. Binigyan namin ang aming bisita ng souvenir ng Pilipinas.

Ngayon, umalis si Mommy papuntang Tarlac at si Manong papuntang Manila. May periodic exam si Fred ngayong umaga. Mamaya, magbabasa ako ng first reading sa misa kasi baka nasa Tarlac pa si Mommy ng alas singko y medya.



Your Career Type: Artistic



You are expressive, original, and independent.

Your talents lie in your artistic abilities: creative writing, drama, crafts, music, or art.



You would make an excellent:



Actor - Art Teacher - Book Editor

Clothes Designer - Comedian - Composer

Dancer - DJ - Graphic Designer

Illustrator - Musician - Sculptor



The worst career options for your are conventional careers, like bank teller or secretary.




Your Brain's Pattern



Your brain is always looking for the connections in life.

You always amaze your friends by figuring out things first.

You're also good at connecting people - and often play match maker.

You see the world in fluid, flexible terms. Nothing is black or white.




Your Hair Should Be White



Classy, stylish, and eloquent.

You've got a way about you that floors everyone you meet.




You Are 24 Years Old



Under 12: You are a kid at heart. You still have an optimistic life view - and you look at the world with awe.



13-19: You are a teenager at heart. You question authority and are still trying to find your place in this world.



20-29: You are a twentysomething at heart. You feel excited about what's to come... love, work, and new experiences.



30-39: You are a thirtysomething at heart. You've had a taste of success and true love, but you want more!



40+: You are a mature adult. You've been through most of the ups and downs of life already. Now you get to sit back and relax.




Your Personality Profile



You are dependable, popular, and observant.

Deep and thoughtful, you are prone to moodiness.

In fact, your emotions tend to influence everything you do.



You are unique, creative, and expressive.

You don't mind waving your freak flag every once and a while.

And lucky for you, most people find your weird ways charming!




You Are Somewhat Machiavellian



You're not going to mow over everyone to get ahead...

But you're also powerful enough to make things happen for yourself.

You understand how the world works, even when it's an ugly place.

You just don't get ugly yourself - unless you have to!




You Should Learn French



C'est super! You appreciate the finer things in life... wine, art, cheese, love affairs.

You are definitely a Parisian at heart. You just need your tongue to catch up...




What Your Sleeping Position Says


You are secretly sensitive, but you often put up a front.

Shy and private, you yearn for security.

You take relationships slowly.

You need lots of reassurances before you can trust.




You Are Internal - Skeptic - Empowered


You feel your life is controlled internally.

If you want something, you make it happen.

You don't wait around for things to go your way.

You value your independence and don't like others to have control.



You are a total skeptic when it comes to luck.

You believe that people use luck as a crutch to avoid responsibility.

You control your own destiny. The universe has nothing to do with it.

You believe everything can be explained - and you tend to over analyze situations.



You have a good deal of power, but you also know the pecking order.

You realize that working the system does get you further.

You know who to defer to and who to control.

When it comes to the game of life, you play things flawlessly.




How You Are In Love



You take a while to fall in love with someone. Trust takes time.



You give and take equally in relationships.



You tend to get very attached when you're with someone. You want to see your love all the time.



You love your partner unconditionally and don't try to make them change.



You stay in love for a long time, even if you aren't loved back. When you fall, you fall hard.




You are a Believer



You believe in God and your chosen religion.

Whether you're Christian, Muslim, Jewish, or Hindu..

Your convictions are strong and unwavering.

You think your religion is the one true way, for everyone.




Your Kissing Purity Score: 66% Pure



For you, kissing isn't a casual thing



Lip to lip action makes your heart sing




Your Hidden Talent



You have the natural talent of rocking the boat, thwarting the system.

And while this may not seem big, it can be.

It's people like you who serve as the catalysts to major cultural changes.

You're just a bit behind the scenes, so no one really notices.




You Are 40% Boyish and 60% Girlish


You are pretty evenly split down the middle - a total eunuch.

Okay, kidding about the eunuch part. But you do get along with both sexes.

You reject traditional gender roles. However, you don't actively fight them.

You're just you. You don't try to be what people expect you to be.




Slow and Steady



Your friends see you as painstaking and fussy.



They see you as very cautious, extremely careful, a slow and steady plodder.



It'd really surprise them if you ever did something impulsively or on the spur of the moment.



They expect you to examine everything carefully from every angle and then usually decide against it.




You Should Get a PhD in Liberal Arts (like political science, literature, or philosophy)



You're a great thinker and a true philosopher.

You'd make a talented professor or writer.




Your Personality Is


Idealist (NF)




You are a passionate, caring, and unique person.

You are good at expressing yourself and sharing your ideals.



You are the most compassionate of all types and connect with others easily.

Your heart tends to rule you. You can't make decisions without considering feelings.



You seek out other empathetic people to befriend.

Truth and authenticity matters in your friendships.



In love, you give everything you have to relationships. You fall in love easily.



At work, you crave personal expression and meaning in your career.



With others, you communicate well. You can spend all night talking with someone.



As far as your looks go, you've likely taken the time to develop your own personal style.



On weekends, you like to be with others. Charity work is also a favorite pastime of yours.

Your Birthdate: April 7
Born on the 7th day of month gives you a tendency to be something of a perfectionist and makes you more individualistic in many ways.
Your mind is good at deep mental analysis and complicated reasoning.
You are very psychic and sensitive, and you should usually follow your hunches.

You may not take orders too well, so you may want to work alone or in a situation where you can be the boss.
This birthday gives a tendency to be somewhat self-centered and a little stubborn.


Monday, October 10, 2005

Kahapon, kumuha si Fred ng entrance exam sa La Salle. Sinamahan siya ni Mommy. Noong gumising ako, tahimik lang akong kumain. Pagkatapos maayos ko ang sarili, tinulungan ko rin si Gelgel na magligpit ng kanyang mga damit. Kumain kami ng tanghalian nang maaga. Hinatid namin ni Kuya Jake si Gelgel sa hotel niya.

Pumunta kami sa La Salle at bumaba ako sa McDonald's. Super daming taong nandoon--parang disco. Hinintay namin si Fred na dumating kasama ang mga kaibigan niya. Madali lang daw ang exam. Pumila sila, kumuha ako ng upuan at kumain kami. Pagkatapos, dumaan kami sa Citibank para kumuha ng pera at sa Park Square I para bumili ng ink cartridge at AVR. Umuwi na kami.

Noong gabi, sinulat ko ang aking testimony na parte ng Life Message ayon sa Purpose Driven Life. Nakaabot ako sa tatlong pahina sa wikang Ingles. Sa susunod, pwede kong isalin sa Tagalog. Nanood kami ng Lotto at nagdasal.

Ngayon, gumising ako ng alas otso, kumain at naghanda ng sarili. Kasama si Mommy, pumunta kami sa dentista para tanggalin ang tahi sa aking ngipin. Mabuti naman ang kinalabasan at sabi ng dentista, pwede na akong magpalagay ng braces sa isa o dalawang linggo. Umuwi kami sa bahay at nag-print ako ng forms para sa application sa Benilde.

Pumunta kami ni Mommy sa College of St. Benilde para mag-apply. May nakausap kami sa si Mang Ronaldo na dating nagtratrabaho sa Kodak at ngayon ay nagkokonsulta para sa mga Kodak Express franchise. Kilala niya si Gen. Bagasin, na siyang naging dating boss ni Mommy. Noong tinawag na kami, sinabi ko na nag-aaply ako bilang transferee sa day program. Tinanong namin kung pwede na lang kaming mag-submit ng UP official transcript, sabi niya kailangan daw magbigay rin ako ng transcript sa lahat ng kolehiyong pinasukan. Nainis kami nang konti kasi hindi sila masyadong matulungin. Okay naman sa amin ang strikto pero importante rin na may malasakit yung tao sa sineserbisyuhan nila. Medyo naawa na lang ako kasi buntis yung babae. Baka marami siyang stress. Dumaan kami sa Makati para magpapalit ng pera.

Noong umuwi, natuwa ako dahil dumating na yung transcript ko sa Georgetown at Northern Virginia Community College. Alam ko na rin yung marka ko kaya okay lang. Mamaya magsismba kami ni Mommy. Bukas, sasama ako kay Fred at pupunta ako sa Benilde.

Saturday, October 08, 2005

Kahapon, sinundo namin sina Fred at Gelgel. Pumunta kami sa Manila at kumain sa Gerry's Grill sa Blue Wave. Hinatid namin si Fred sa Century Park Hotel. Kumidlat at umulan nang malakas rin kagabi.

Kanina, nawala ang cable at internet.Tapos, hinatid nina Mommy at Gelgel si Daddy sa airport. Nagsimba kami noong alas singko y medya.

Friday, October 07, 2005

Noong Miyerkules, nagsimba kami ni Mommy. Tapos nakita namin sina Doctora Lita Bernardo at Cecile Bartolome. Nagbilang din kami ng pera. Mabuti sana kung hindi muna ako lalabas kasi nagpabunot lang ako noong isang araw.

Kahapon, nandito lang ako sa bahay. Nagbasa ako ng diyaryo. Pwede na ako magbasa araw-araw ng Inquirer kasi may nagdedeliver na sa amin. Nabasa ko sa Internet yung Filipino spy sa White House, si Leandro Aragoncillo.

Nagayong Biyernes, magsisimba si Mommy ngayong tanghali kasi First Friday ng Sacred Heart of Jesus. Mamaya, susunduin nila si Gel at ihahatid nila si Fred sa Century Park Hotel kung saan siya may overnight party. Aalis si Daddy bukas papuntang Leyte.

Wednesday, October 05, 2005

Kahapon, kumuha kami ni Manong, Lila at ako ng ID. Tapos nagpabunot ako ng ngipin. Wala na kasing puwesto yung third molar sa babang kanan ng bunganga ko. Masakit pa rin siya pag-uwi ko sa bahay kaya medyo matagal ako natulog noong hapon at gabi. Malalambot lang na pagkain ang puwede kong kainin ngayon.

Kaninia, hindi na masyadong masakit ang ngipin ko. Tumulong ako sa paglinis at paghiwa ng pinya. Binunutan ko rin ng kilay si Auntie. Mamaya, magsisimba kami ni Mommy. Iniisip ko ngayon kung paano ako magsusulat ng mga research paper para masanay akong magsulat at hindi ko makalimutan. Sa internet na lang ako kukuha ng impormasyon. Nag-sign-up rin ako sa Philippine e-library, www.elib.gov.ph.

Sunday, October 02, 2005

Happy Sunday!

Topics for STIA papers:

A) Environment
- Hydropower
- Rice agriculture
- Geothermal power
- Deforestation & reforestation
- Ecotourism
- Debt for environment
- Biodiversity & endangered species
- Electronic waste
- Water pollution
- Air pollution
- Bataan nuclear power plant
- Marine fishing
- Mining
- Erosion
- Wind power
- Solar power
- Population pressure
- Climate change & Kyoto protocol
- Flood prevention
- Garbage disposal & recycling

B) Health
- Avian flu
- Dengue
- Malaria
- Population control
- Nursing crisis
- Rural health
- Medical tourism
- Malnutrition

C) Business & Information Technology
- Brain drain
- Software piracy
- Internet usage
- Technology transfer
- Microlending
- SMS technology & influence
- Call centers
- Labor outsourcing
- Rural development

D) Security
- Drug trafficking
- Human trafficking
- "Hello Garci" tape authenticity
- Anti-terrorism
- Smuggling
- Container security & international shipping

Gumising ako nang alas otso y medya at kumain ng agahan. Nagbasa ako ng Bibliya at Purpose Driven Life. Kumain kami ng tanghalian at lumabas sa Makati. Bumili kami ng phonecard at school supplies, kumain sa Red Ribbon, at hinatid si Gelgel sa Garden Hotel na katabi ng Paco Park. Bumisita ang boyfriend ni Ate Florie.

Saturday, October 01, 2005

Happy October 1!

My goals for this quarter:
1) Read the whole Bible
2) Be fluent in Ilocano
3) Be fluent in German
4) Keep a daily journal
5) Write STIA papers
6) Cook well
7) Exercise
8) Drive

Nakalimutan ko pala na dito sa blog na ito ay magsusulat ako ng Tagalog. Gumising ako ng maaga at naglinis ng bahay. Dumating si Gelgel aka Ganda galing sa Paco Hotel. Nag-aaral siya ng nursing sa Tarlac pero may affliate sila dito sa Mental Hospital at San Lazaro Hospital. Kumain kami ng agahan kasama niya. Pagkatapos, naglaba siya ng kanyang mga damit. Mga ala una, kumain na kami ng tanghalian at natulog sina Mommy at Gelgel noong hapon. Nag-merienda kami ng spaghetti, bibingka at focacia nang alas singko bago magsimba ng alas singko y medya. Ang evangelio ay tungkol sa parabulo ng ubasan, na kung saan ang amo ay nagpapadala ng mga sugo at pati ang kanyang anak. Nilinis rin pala namin yung kampana sa simbahan. Kumain uli kami ng spaghetti sa gabi at nagdasal kami pagkatapos. Ngayon, sinusulat ko itong kwento ng aking araw.