Thursday, October 28, 2004

Pagmumuni-muni

Hindi ko pa alam kung anong gagawin ko sa buhay ko. Gusto ko sanang magtrabaho dito sa America tapos babalik ako sa Pilipinas para gumawa ng sarili kong negosyo. Yung magdadala ng mga scientist at mga engineer sa atin sa halip na aalis silang papuntang ibang bansa. Pero ang gusto ko talagang gawin ay ang magbasa at mag-internet buong araw. Bilib na bilib ako sa mga kaklase ko dito at sa Pilipinas na napakasipag gumawa ng thesis at mga assignment nila. Tapos may internship pa sila. Nakakatuwa sila. Gusto ko ring maging magaling tulad nila pero hindi ko alam kung saan ako magiging magaling. Mahilig akong magbasa ng kwento pero hindi ako magaling magsulat. Nag-iisip pa ako kung anong pinakamabuting gawin sa buhay ko. Pero importante siguro na kumuha ako ng work experience dito.

Sunday, October 17, 2004

Alimango

Kagabi, pumunta kami sa Solomon Islands para mangisda ng mga alimango. May dala kaming timba, mga net at leeg ng manok. Pagdating namin sa piyer, maraming na palang tao doon. Nakakakuha kami ng ilang mga alimango, na tawag ay Chesapeake blue crab. Marami ring dikya, swordfish at mga dahon. Tapos, umalis yung ibang nangingisda. Di lumaan, dumami yung nahuli naming mga alimango, maraming malalaki. Napuno namin ang isang timba. Bumalik kami ni Tito Gas sa apartment para lutuin yung mga alimango. Mabuti at naroon si Tito Ed at sinabi niyang siya na lang ang magbabantay sa niluluto. Bumalik kami sa piyer. Medyo inaantok na ako kaya konti na lang ang nakikita kong lumalangoy na alimango. Pagkatapos ng ilang oras, bumalik na ako sa sasakyan at natulog hanggang nakarating na kami sa bahay.